Pages

Sunday, November 7, 2010

Blots of Ink: Buhay ng Damit




Sana ang buhay parang damit
pag may konting gusot
paplantsahin lang ayos na uli
pag may konting tastas
susulsihan lang pwede na uling gamitin
pag nadumihan at pinagpawisan
lalabahan lang malinis na uli

Tama lang siguro
na ang buhay ihalintulad sa damit
sapagkat gaya ng damit
may mga mantsang
di na kayang tangalin pa
may mga sira na mahirap ng tahiin
tagpian man ay ndi na
gaganda pa
ang tangi na lang magagawa
ay gawan nag paraan ang tagpi
upang kahit paano
ang tagpi tagping butas ng damit
ay maging parte ng palamuti

Katulad ng isang damit
haharapin ko ang buhay
kahit gaano karaming gusot
ang aking maranasan
kahit ilang mantsa pa
ang nakaabang
para ako ay dungisan
kahit ilang butas pa
ang aking kailangan tagpian