Unti-unting dumidilim
Habang ang aking araw ay tintakpan ng ulap
Kasabay ng pagbuhos ng ulan
Ang pagtulo ng luha sa aking mga mata
Walang magawa kundi tanungin ang sarili
Di makpaniwalng ang lahat ay aabot sa ganito
Nais kong maintindihan ang dahilan ng lahat
Ngunit para saan pa wala na rin namang mababago
Nais kong sumigaw
Tumakbo palayo, takasan ang katotohanan
Pumipikit upang
Kalimutan ang sakit na aking nararamdaman
Pero ang tanong para saan pa?
Ang lahat ay nangyari na
Isang pagkakamali na hindi ko masyadong inintindi
Kung akin lang nakita sana’y nilubos ko na
Panghihinayang ang ngayo’y nadarama
Nasayang na panaho’y di na maibabalik pa
Pipikit na lang sa isang tabi at aasa
Na sa pangmulat nitong mga mata, ang madilim na ulap ay napawi na
No comments:
Post a Comment