photo by: Google
Sa mga bansa sa Asya, ang Pilipinas at tayong mga Pilipino ang isa sa mga bansang malakas magproduce at magkonsumo ng bigas, huwag na natinpagusapan ang tonetonelada, o sako-sakong nauubos sa isang taon, o di kaya naman e yun mga nasasayang, dahil hindi naman tungkol dito ang punto nito. Sa mga nagdaang ilang daang taon, diko na alam kung kelan yun sa aking pagkakawari ay kanin na ang pangunahing pagkain ang kinakain ng ating mga ninuno, patunay nito ang mga ekta-ektaryang pataniman ng palay, at ang prestehiyosong hagdan hagdang palayan. Napakalaki ng pakinabang ng bigas para sa atin, umpishan lang sa almusal, tangahalian at hapunan, mga kakanin, pang himagas at kahit pa nga alak.Hindi nakapagtataka na nuon pa manay ganoon na rin ang pagpapahalaga ng mga ninuno sa bigas.
Ang isang halimbawa na lamang nito ay ang “Bulol” hindi ito yun batang hindi pa lubos na ganap na kayang sabihin ng tama ang mga salita, isa itong tinuturing na anito na ang posisyon ay nakaupo at nakapatong ang dalawang braso sa tuhod, madalas ang anitong ito ay nakaukit sa bato at inihaharap sa mga taniman, ang bulol ay pinananiniwalaang bantay ng pataniman, at ang magbibigay ng masaganang ani. Sa ganun paraan pahalagahan ang pagkain noon, kaya di nakapagtataka na sa panahon ngayon pag nasabihan ka ng “ para kang nagtampo sa bigas” ibig sabihn lang ay hindi mo binigyan halaga ang kung anumang bagay na nagbibigay sayo ng lakas para manitiling buhay, ang pagkain, na sa aking paniniwala ay nirerespeto, pinahahalagahan, at higit sa lahat nilalasap. Kakain na…!!!!
1 comment:
di magets, dame cheche bureche.
Post a Comment