Pages

Wednesday, June 23, 2010

Mahaba-habang Lakaran

Ako'y  naglalakad papalayo
Patungo sa lugar  na di lubos ang katiyakan
Nagiisip at nangangamba
Hanggang ngayon hindi alam ang patutunguhan

Tuloy tuloy ang pag-usad ng mga paa
Walang  sapin, sa kalyo ay nangagapal
Bawat hakbang gumgawa ng bakas
Bawat  yapak ay  may  kwentong katumbas

Ang kalsadang aking nilalakaran
Sing init ngbagang naglalagablab
Malubak, magaspang at  matarik

Malayo  at mahaba ang daang  tinatahak
Makipot at  tila walang hanganan
Maraming Dahilan para tumigil at bumalik
Pero para saan pa kung sa dulo  nama'y pawi  ang lahat  ng iyong pagkasawi


No comments: